Asahan parin ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Palawan at Kalayaan Islands habang magkakaroon naman ng pulu-pulong mahihinang pag-ulan ang nalalabing bahagi ng Luzon bunsod parin ng easterlies.
Makakaranas din ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Eastern at Central Visayas maging buong bahagi ng Mindanao dulot ng Low Pressure Area (LPA) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Samantala ang buong bahagi naman ng Western Visayas ay makakaranas ng pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil naman sa mga localized thunder storms.
Agwat ng Temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 34°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:55 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:07 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero