Asahan parin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicole Region, MIMAROPA, Calabarzon, at Metro Manila.
Ayon kay Pagasa weather specialist Raymond Ordinario, inaasahang kikilos pakanluran ang low pressure area na posibleng magdulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng katimugang Luzon.
Makakaranas parin ng maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng Luzon maliban na lamang sa mga pulu-pulong pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat.
Samantala, patuloy parin ang maulap na papawirin sa buong bahagi ng Visayas at Zamboanga Peninsula na may mga kalat-kalat na pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi habang magiging maaliwalas naman ang panahon ang natitirang bahagi ng Mindanao pero posibleng makaranas ng isolated rain showers o thunderstorms.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25 hanggang 30 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:40 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:24 ng hapon.