InterTropical Convergence Zone o ITCZ ang umiiral na weather system na nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Dahil dito, asahan sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-uulan at thunderstorm.
Habang sa natitirang bahagi ng bansa naman ay asahan ang manaka-naka hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang ulan.
Posible naman ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.—sa panulat ni Rex Espiritu