Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang National Capital Region at walong iba pang lugar sa bansa.
Kabilang sa mga lugar na makararanas ng mga pag-ulan at maulap na papawirin ang Calabarzon, Aurora, Bulacan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Camarines Norte.
Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan,pagkulog- pagkidlat dulot ng ITCZ at mga localized thunderstorms ang ilang bahagi ng bansa