Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa National Capital Region (NCR) at ilang bahagi ng bansa dulot ng hanging Habagat ayon sa Pagasa.
Habang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Mimaropa, Zambales, at Bataan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng mga localized thunderstorms.