Naitala ang kabi-kabilaang pagsabog at pagkasunog ng mga gusali sa probinsya ng Kherson sa Ukraine na ngayon ay kontrolado na ng Russia.
Isa sa mga nadamay na gusali ang Salamar Hotel na nakapwesto sa Zaliznyi Port ng Skadovsk District kung saan naninirahan ang Russian Security Service na Federal Security Service (FSB).
Mababatid na inilipat ng Russia ang kanilang command post mula nang makontrol ng Ukraine ang Dnipro river.
Patuloy pa rin ang pagsusumikap ng mga sundalo ng Ukraine na mbawi ang mga lugar na inangkin ng Russia sa kabila ng nagpapatuloy na 10 buwang giyera. – sa panulat ni Hannah Oledan