Mararanasan ang kalat-kalat na mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at limang iba pang lugar sa bansa dulot ng Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Surigao del Sur.
Batay sa ulat ng PAGASA, nasa layong 195 km Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur bandang alas-3 ng madaling araw ang naturang LPA.
Habang magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkulog ang apat pang apektadong lugar ang Calabarzon, Bicol Region, Caraga, Marinduque at Romblon.
Samantala, makararanas ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkulog- pagkidlat dulot ng easterlies at localized thunderstorms.