Ipapalabas na ngayong hapon ang 3-part documentary ng Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa West Philippine Sea na pinamagatang “Kalayaan” ito ay bilang bahagi ng ika-117 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Ang naturang dokumentaryo ay naka-pokus sa pang-ekonomiya, kasaysayan at pang legal na aspeto ng West Philippine Sea.
Ang dokyung “Kalayaan” ay ginawa sa ilalim ng direksyon ni RA Rivera Jr. kasama sina Lourd de Veyra at Jun Sabayton bilang mga host.
Katuwang ng DFA sa paglulunsad ng naturang dokumentaryo ang Presidential Communications Operations Office at Philippine Information Agency.
Hindi kontra China
Nilinaw naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi layon ng Pilipinas na saktan ang China sa ipapalabas na dokumentaryo hinggil sa West Philippine Sea.
Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, ang dokumentaryong karapatan sa karagatan ay bahagi aniya ng education campaign ng pamahalaan ukol sa kahalagahan ng pagprotekta ng Pilipinas sa nasasakupan nito.
Naniniwala naman si Jose na hindi masisira ng naturang dokumentaryo ang relasyon ng Pilipinas at China.
Ang 3-part dokyu ay tututok sa kasaysayan, ekonomiya at legal na aspeto ng West Philippine Sea.
By Ralph Obina