Interes ng mamamayan.
Ito’y ayon kay Senate President Vicente Tito Sotto III ang dapat mangibabaw kasunod nang paglutang ng mga pangambang maputol ang pakikipag-alyansa nito sa Malakaniyang matapos maghain ng petisyon sa Korte Suprema para bigyang linaw ang karapatan ng Senado na suriin muna ang mga tratado na nais ipawalang bisa ng palasyo.
Binigyang diin ni Sotto na pinangangalagaan lamang niya ang kalayaan ng Senado sa kabila ng bantang mawala sa mga alyansa at suporta at ito aniya ang iiwan niyang tatak sa kaniyang pamumuno sa Senado.
Nais lamang naman aniya nilang panindigan ang sense of the power of the senate na alam nilang taglay ng mataas na kapulungan bilang co equal branch ng ehekutibo at hudikatura.
Sinabi pa ni Sotto na napakahalagang nakukunsulta ang Senado sa pagtalikod sa mga kasunduan dahil kailangan ang pag sang-ayon ng mga Senador upang magkabisa ang anumang pakikipagkasundo sa ibang bansa.