Prayoridad ng Aklan Provincial Health Office ang staff ng Kalibo International Airport para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing.
Kasunod na rin ito nang pagpapatigil sa mass testing ng hotel workers sa Boracay Island matapos magpositibo sa COVID-19 ang walong empleyado ng Kalibo International Airport.
Una nang naisalang sa mass testing ang 80% ng 1,400 hotel workers sa Isla ng Boracay.
Ang Aklan ay nakapagtala ng 451 infections, 66 rito ay active cases samantalang 15 ang nasawi.