Posibleng lumala ang kalidad ng hangin sa Metro Manila ngayong papalapit ang pagdaraos ng Pasko at Bagong Taon.
Dahil ito sa mga paputok at fireworks na gagamitin sa pagsalubong ng taong 2023 na naglalabas ng mapanganib na hangin na maaaring makapinsala sa kalusugan ng tao.
Ang babala ay binigyang-diin sa webinar na inorganisa ng grupong Ecowaste Coalition bilang parte ng kanilang “Iwas Paputoxic” campaign.
Dito, pinayuhan ng grupo ang publiko laban sa panganib at pagsisindi ng paputok sa Dis. 24 at Dis.31.
Imbes anila na gumamit ng paputok, mas makabubuting bumili na lang ng pagkain at iba pang mga pangangailangan para sa mga nangangailangan.