Pumalo sa hazardous level ang kalidad ng hangin sa National Capital Region (NCR) noong pagsalubong ng bagong taon.
Ayon sa DENR, sinukat ang mga particles sa hangin sa pamamagitan ng Particulate Matter 10 (PM10) o ang dami ng mga microparticles na nasa hangin.
Naitala ang 497 na micrograms per cubic meter o hazardous level sa Mandaluyong City habang unhealthy naman sa Taguig at North Caloocan na nakapagtala ng 355 micrograms per cubic meter at 322 micrograms per cubic meter.
Mas mataas naman ang concentrations ng mga naitalang microparticles sa Pateros, Las Pinas at Pasig City.
Ipinagmalaki naman ng DENR na mas nabawasan naman ang air pollution ngayong taon kumpara sa naunang pagdiriwang ng baging taon.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, mas kokonti na kasi ngayon ang gumagamit ng paputok.