Apektado na rin ngayon ang kalidad ng mga itlog at karneng manok dahil sa limitadong patuka sa mga pamilihan.
Ayon kay Chairperson Gregorio San Diego ng United Broiler Raisers Association at Philippine Egg Board Association, marami sa mga negosyante ang lumipat na sa produksiyon ng itlog dahil sa epekto ng African Swine Fever mula sa mga baboy.
Bukod pa dito, nagkakaroon na rin ng epekto sa importasyon ng manok dahilan para maapektuhan din ang kalidad ng mga itlog bunsod ng mataas na presyo ng mga patuka.
Sinabi ni San Diego na marami sa mga nag-aalaga ng manok ang nahihirapan nang mag-alaga dahil sa limitado at pagtitipid ng mga patuka.
Sa ngayon, mas maliit na ang mga itlog at mga karne ng manok ang ibinibenta ngayon sa mga pamilihan.