Bumababa na ang lebel ng polusyon sa Manila Bay.
Ito ang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan binigyang-diin nito na nagbubunga na ang pagsisikap ng pamahalaan na ayusin ang Manila Bay at ipatupad ang Operational Plan for the Manila Bay Coastal Strategy.
Ayon kay Jacob Meimban, Executive Director ng Manila Bay Coordinating Office, bumaba na ang fecal coliform lebel sa naturang baybayin kung saan nitong Oktubre nakaraang taon ay nakapagtala ang National Capital Region ng 51,300 na antas ng coliform, mas mababa kumpara sa 126,000 noong 2019.
Maliban sa Metro Manila, naitala rin ng DENR ang pagbaba ng fecal coliform level sa CALABARZON kung saan, mula sa dating 3,040 coliform level ay pumalo na ito ngayon sa 643.
Bumaba rin ang fecal coliform level sa Central Luzon mula sa 5,099 ay nasa 1,243 na lang ngayon.