Uubra namang magsimulang magpakain muli ng kanilang mga isda ang fish cage operators sa Taal Lake.
Kasunod na rin ito nang pag-improve o pagganda ng kalidad ng tubig sa nasabing bukal.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, lumalabas sa isinagawang tests ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa level ng dissolved oxygen sa Taal Lake na kailangan para mabuhay at lumaki ang mga isda, ay nag-improve.
Ang nasabing Taal water quality tests ay pagpapakita rin na normal ang sulfide level nito.
Gayunman, pinayuhan ni Dar ang cage operators na huwag sobrahan o i-overfeed ang mga isda na karamihan ay tilapia at bangus para maiwasang magkaroon ng ammonia sa katubigan ng Taal Lake.