Tiniyak ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa mga paliparan.
Kasunod na rin ito nang pag aalis ng CAAP ng kanilang abiso sa airline companies matapos makumpleto ang maintenance work sa Tagaytay radar .
Sinabi ni Caap deputy director general for operations Capt. Manuel Antonio Tamayo na balik normal na ang flights o apat napung flights kada oras.
Nagpasalamat naman si Tamayo sa Manila International Airport Authority, Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport sa kanilang tulong para mapabilis ang pagtatapos ng maintenance work.
Ang Tagaytay radar ay isa sa mga ginagamit ng caap para gabayan ang paglipad at paglapag ng mga eroplano sa NAIA at Clark airport.
By Judith Estrada-Larino