Tiniyak ng Department of Foreign Affairs ang tulong sa apat na Filipinong inaresto at nakakulong sa Australia dahil sa pagdadala ng malaking bulto ng cocaine.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakausap na ng mga kinatawan mula sa Philippine Consulate General ng melbourne at Philippine embassy sa Canberra ang apat na tripulanteng Pinoy.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Canberra sa shipping o manning agency ng cyprus-flagged bulker vessel na kypros bravery.
Samantala, hiniling din ng mga naturang pinoy sa australian authorities na makausap ang kanilang pamilya.
Humaharap sa mga paglilitis ang apat at maaaring hatulan ng habambuhay na pagkaka-kulong sakaling mapatunayang nagkasala.