Ginarantiyahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang proteksyon at karapatan ng lahat ng miyembro ng media sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Office of the Press secretary Officer-In-Charge, Undersecretary Cheloy Garafil matapos ang President’s night na inorganisa ng Manila Overseas Press Club.
Ayon kay Garafil, patuloy ang pagkilala sa hanay ng media bilang importanteng haligi ng demokrasya at nakatuon ang Pangulo sa pagbibigay ng seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamahayag.
Magugunitang inimbitahan ang Palace official sa dayalogo sa pagitan ng gobyerno at media matapos maalarma ang ilang mamamahayag sa pagbisita ng mga pulis sa kanilang bahay.
Samantala, inatasan na ang PNP na ihinto ang visitation program sa halip ay makipag-dayalogo sa mga miyembro ng media. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla