Tiniyak naman ng Philippine Ports Authority o PPA ang kaligtasan ng mga pasahero ng naistranded sa mga pantalan sa mga lugar na apektado ng super bagyong Lawin
Ito ang pahayag ni PPA General Manager Jay Santiago kasunod ng kanilang patuloy na pagbabantay at monitoring sa kalagayan ng mga pantalan sa bansa bunsod ng bagyo
Sa ngayon ani Santiago, pinakamalaki ang bilang ng mga naistranded sa Bicol region na umakyat na sa mahigit 730
Maliban sa mga pasahero, sinabi ni Santiago na aabot sa 35 rolling cargos, 9 na roro vessels, 43 motorbanca ang hindi pinayagang maglayag dahil sa napaka-along karagatan
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco