Siniguro ng Department of Health (DOH) ang kaligtasan ng mga kabataang edad 12 hanggang 17 na babakunahan.
Ayon sa DOH, hindi magdudulot ng malalang side effect ang mga bakunang gagamitin sa mga menor de edad kung saan, isasagawa ang pagbabakuna sa anim na ospital sa National Capital Region.
Sa pahayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sakit ng ulo, allergy at pananakit lamang ng katawan ang posibleng maramdaman ng mga batang babakunahan kaya’t walang dapat na ikabahala.
Nabatid na ang kumpanyang Moderna at Pfizer Biontech lamang ang nabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) gamitin sa mga kabataan. —sa panulat ni Angelica Doctolero