Binigyang diin ni Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza ang kahalagahan ng pagtitiyak sa kaligtasan ng mga Pilipinong Mangingisda sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Jardeleza na dapat tiyakin ng pamahalaan na sa ano mang gagawing hakbang laban sa China ay hindi maaapektuhan ang mga mangingisda at hindi na mauulit ang pantataboy sa kanila ng mga Tsino.
Iminungkahi din ni Jardeleza ang pakikipag usap ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na pamahalaan malapit sa West Philippine Sea, na siya namang makikipag usap sa mga mangingisda.
By: Katrina Valle