Nananatiling ligtas ang pagbiyahe sa iba’t-ibang tourist destination sa Pilipinas.
Ito ang tiniyak ng Department of Tourism sa kabila ng hakbang ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ilagay ang Pilipinas sa ilalim ng alert level 3 para sa “high-level of covid-19”.
Pinawi naman ni Tourism Secretary Christina Frasco ang pangamba ng mga biyahero kahit mahigit sa kalahati ng dalawandaan tatlumpu’t limang lugar na mino-monitor ng CDC ay nasa ilalim ng nasabing level.
Kampante anya sila sa mga inilatag na health guidelines sa bansa upang ma-balanse ang kaligtasan at pagbiyahe ngayong panahon ng new normal.
Sa pagtaya ng Department of Health hanggang nitong Agosto a – 15, umabot na sa mahigit 72 milyong Filipino na ang fully vaccinated.