Responsibilidad ng bawat isa ang panatilihing ligtas ang mga kalsada lalo na sa mga bata.
Binigyang diin ito ni Transportation Undersecretary Mark Pastor sa paggunita ngayong araw sa National Day of Remembrance for Road Traffic Victims, Survivors and their Families.
Batay sa record, nasa 12,000 Pinoy kabilang ang mahigit 1,800 bata ang namamatay sa road crash kada taon.
Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagpapakita sa ginawang mural na “Keeping our Streets for Children” na nakalagay sa children’s road safety park ng MMDA kung saan mahigit 1,600 hand prints ng nga kabataang Pinoy na umaapelang gawing ligtas ang mga kalsada sa bansa para sa mga bata.
Binuo ang National Coalition for Child Traffic Injury Prevention na pinangungunahan ng DOTr at ibang ahensya, NGOs, academe, private sectors at civil society groups para matiyak na matutugunan ang problema sa road safety sa bansa.