Mariing itinanggi ni MIAA o Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na nanumbalik ang ‘tanim bala’ scam sa paliparan.
Ito ay matapos ng insidente kung saan nakuhan ng bala sa kanyang bahage ang isang Korean national na estudyante na papalabas na ng bansa.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Monreal na malabong planted o inilagay ang bala dahil nakita ito sa bulsa ng jacket na nakalagay sa loob ng bag ng nasabing Korean student.
“Pagpasok mismo sa departure lobby doon mismo nakita, so wala pa pong paghahawak ang ating mga tauhan ng maleta na sa tingin namin ay may paraan na maisingit pero ang sitwasyon kung saan nakita ang bala kailangan may oras na gawin, buksan ang maleta, kunin ang jacket, ilagay sa ilalim, ilagay sa loob ng bulsa.” Ani Monreal
Dagdag pa ni Monreal, agad namang pinaalis ang nasabing Korean national matapos na makumpiska ang nakitang bala at ma-dokumento ang pangyayari.
“Puwede siguro kalimutan na natin ang ‘tanim bala’ unless it is proven, kasi kami naman kapag may nakita kaming gumawa ng ganyan outright we will make sure na ibibigay natin ang penalty for that person.” Pahayag ni Monreal
By Krista de Dios | Ratsada Balita Interview)