Ikinasa ng grupong KALINAO o Kabataan para sa Kapayapaan sa Mindanao ang isang Black Friday protest kontra martial law ngayong Biyernes.
Ayon kay Kevin Paul Agayon, tagapagsalita ng KALINAO, kanilang tinutulan ang ipinatutupad na batas militar sa Mindanao dahil ang lubhang nagdurusa dito ay ang mga kabataan.
Aniya, apektado na ang edukasyon at kalusugan ng mga bata sa nasabing rehiyon lalo na sa lugar na may kaguluhan.
Giit ni Agayon, nagugutom na ang mga kabataan dahil hindi na aniya makapasok ang mga tulong na pagkain sa mga evacuation centers.
Kaugnay nito ay nagsabit ang grupong KALINAO ng mga itim na laso mula sa Gate 4 ng FEU o Far Eastern University hanggang sa kahabaan ng Morayta sa University Belt sa Maynila.
Habang sabay-sabay naman silang magsisindi ng kandila ngayong 5:00 ng hapon.
By Krista De Dios | With Report from Aya Yupangco