Nasungkit ng Kalinga ang dalawang Guinness World Records nitong Miyerkules, matapos idaos ang pinakalamaking Gong Ensemble at Banga dance.
Ayon sa Kalinga provincial government, aabot sa 3,440 kalalakihan ang tumugtog ng gong habang 4,681 babae ang sumayaw gamit ang mga kaldero na tinatawag na “Banga” na nakabalanse sa kanilang mga ulo.
Ang mga musikero at mananayaw naman na magkahiwalay na nagtanghal sa Kalinga Sports Complex ay dumaan sa mahigpit na pamantayan sa pagganap, na itinakda ng guinness world records kabilang ang malinis na pagtugtog ng magkakasabay.
Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa mga lumahok sa nasabing makasaysayang event.
Noong 2018, unang tinangka ng kalinga na makakuha ng pagkilala sa guinness ngunit nabigo ito.