Matagumpay na nailunsad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) program.
Alinsunod ang programang ito sa Memorandum Circular No. 001-2024 ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Layon ng KALINISAN program na palawakin ang kaalaman ng publiko at hikayatin silang makiisa sa environmental responsibilities sa pamamagitan ng proper waste management. Hinihimok din nito ang local government units (LGUs) na mag-invest sa mga programa at proyektong makatutulong sa kalikasan.
Unang inilunsad ang KALINISAN program sa pamamagitan ng national simultaneous clean-up drive sa Baseco Compound sa Manila, kasabay sa pagdiriwang ng Community Development Day noong January 6, 2024.
Ayon sa national status report na inilabas ng DILG, as of January 9, 2024, higit sa 5.1 million kilograms ng basura na ang nakolekta ng higit sa 1.2 million na indibidwal at 245,000 local officials na nakilahok sa programa.
Upang mas mahikayat ang mga barangay na makiisa sa KALINISAN program, magsasagawa ang DILG ng quarterly awarding upang kilalanin ang LGUs na may efficient implementation ng programa. Inutusan na rin ni Pangulong Marcos ang mga kinauukulang ahensya na isama ang kalinisan sa performance guarantees upang mabigyan ng mas malaking incentives ang LGUs na may pinakamalinis na kapaligiran.
Tiniyak naman ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mahigpit na pagpapatupad sa KALINISAN program at ang pagpapatuloy sa monthly at quarterly monitoring ng performance ng mga barangay sa buong bansa.
Naniniwala si Pangulong Marcos na hindi deserved ng mga Pilipino ang manirahan sa madumi at makalat na lugar. Kaya aniya, “Kumilos tayo upang gawing maaliwalas at malinis ang ating kapaligiran. Dapat walang lugar, ni puwang ang dumi, dugyot, at dilim sa ating pamayanan.”