Higit sa 2.6 million kilograms ng basura ang nakolekta sa ilalim ng Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay ayon sa inilabas na national status report ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon sa ulat ng DILG, higit sa 9,000 na barangay sa buong bansa ang nakilahok sa KALINISAN program.
Samantala, umabot sa 580,000 na indibidwal ang sumali sa clean-up drive kasama ang halos 110,000 local officials.
Matatandaang inilunsad ng DILG ang KALINISAN program sa pamamagitan ng national simultaneous clean-up drive sa Baseco Compound, Manila kasabay ng paggunita sa taunang Community Development Day.
Pinaalalahanan naman ni Pangulong Marcos ang bawat Pilipino na makiisa sa Community Development Day.