Pinatitiyak ni Senadora Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) ang kaayusan at kalinisan ng mga itinalagangn quarantine facilities para sa mga balik-bansang mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s.
Kasunod na rin ito ng ulat na ilang mga OFW’s ang nagrereklamo hinggil sa isa umanong hotel sa Novaliches, Quezon City na ginamit bilang quarantine facility na madumi.
Ayon kay Hontiveros, hindi katanggap-tanggap na sa panahon ng nararanasang krisis sa ay mapipilitan lamang ang mga OFW’s na magdusa sa hindi malusog, madumi at nakakababang sitwasyon.
Iginiit ni Hontiveros, dapat na kumilos agad ang pamahalaan para maresolba ang nabanggit na usapin at hindi na hintayin pang magkasakit ang mga OFW’s.