Hinikayat ng Save the Sierra Madre Network ang pamahalaan na tuluyan nang abandonahin ang proyektong Kaliwa Dam sa General Nakar, Quezon at iba pang centennial dams na itatayo sa bahagi ng Sierra Madre.
Ayon kay Father Pete Montallana, chairman ng grupo, manganganib ang buhay ng mahigit sa 100,000 dahil sa mga proyektong dams ng MWSS o Metropolitan Water Sewerage System.
Iginiit ni Father Montallana na halos nasa Infanta segment ng Philippine fault zone ang pagtatayuan ng Kaliwa Dam subalit ayaw anya itong aminin ng MWSS.
Hinamon ni Father Montallana ang MWSS na maging transparent at ilabas ang lahat ng kanilang pag-aaral at dokumento na may kinalaman sa mga proyekto nilang dams sa Sierra Madre.
Bahagi ng pahayag ni Father Pete Montallana
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo: Save Sierra Madre Network Alliance