Kumpiyansa ang gobyerno na malaki ang maitutulong ng itatayong 18.7 billion pesos Kaliwa dam project sa nararanasang krisis sa tubig.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, kung naitayo lamang ng mas maaga ang naturang proyekto na pinopondohan ng Tsina ay malamang na hindi naging ganito kalala ang problema sa tubig.
Dahil sa sitwasyon ngayon, posible aniyang kumbinsinhin na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga contractor na bilisan ang konstruksiyon ng nasabing proyekto.
Kabilang ang naturang dam sa mga loan na ipinagkaloob ng China noong bumisita sa bansa si Chinese President Xi Jinping noong Enero.
—-