Isang araw bago ang mismong 38 anibersaryo ng EDSA Revolution, ikakasa ng iba’t ibang grupo mula sa magkakaibang sektor ang malawakang ‘Black Friday’ protest.
Isisigaw ng mga grupo ang kanilang pagtutol sa pagbabago ng konstitusyon sa gitna ng mga mas mahalagang isyu na dapat ay unahin ng gobyerno.
Nabatid na umaga pa lamang, magkakaroon na ng mga programa sa bantayog ng mga bayani, na sasabayan din ng programa sa tapat ng Department of Agriculture.
Magma-martsa rin ang mga IP Groups sa Mendiola; habang mayroon ding programa ang labor groups sa tapat ng DOLE.
Ilalabas din ang ‘tumindig’ mascot sa UP Diliman; at ang isang protestang kabibilangan ng mga estudyante at simbahan laban sa charter-change sa PGH sa Taft Avenue.
Sa araw naman ng linggo – kasado na rin ang mga programa sa tapat ng EDSA Shrine. – sa panunulat ni Jeraline Doinog