Binara ng Malakanyang ang kabi-kabilang mungkahing hakbang kaugnay sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, alam ng pamahalaan kung ano ang dapat gawing aksyon sa nasabing insidente.
Giit ni Panelo, dapat ay ginawa na noon pang nakaraang administrasyon ang mga aksyon na iminumungkahi ngayon ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario.
Aniya, lahat ng posibleng hakbang ay ikinukunsidera ng pamahalaan at pinag-aaralan bilang tugon sa pangyayari.