Asahan na ang mas maraming political activities ngayong huling linggo ng kampanya.
Ayon kay Commission on Elections Spokesman James Jimenez, dapat maging handa ang mga local government unit lalo’t tiyak na ibubuhos ng mga kandidato ang kanilang buong puwersa at pera kapalit ng boto.
Dapat anyang tiyakin ng mga LGU na kayang i-accommodate ng kanilang mga kalsada ang kaliwa’t kanang miting de avance na hindi dapat tumagal ng 24 oras.
Sigurado anyang bubuhos din ang mga motorcade maging ang mga tao at supporter ng mga kandidato kaya’t asahan din ang pagsisikip ng daloy ng trapiko anumang oras.
Nakatakdang magtapos ang campaign period para sa national at local candidates sa Sabado, Mayo 11 o dalawang araw bago ang midterm elections.