Mayroong kalkuladong tugon ang pamahalaan sa ginagawang pang-haharass ng China upang maangkin ang mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Dahil dito, sinabi ng Pangulong Noynoy Aquino na hindi na kailangang pulungin ang National Security Council sa harap ng huling insidente ng pagtaboy ng Chinese Coastguard sa eroplano ng Estados Unidos.
Ayon sa Pangulo, sa kabila ng insidente, magpapatuloy sa paglipad ang ating mga eroplano sa normal nitong ruta.
Ipinahiwatig rin ng Pangulo na mayroon nang gingawang pakikipagtulungan ang Pilipinas sa Estados Unidos hinggil dito.
By Len Aguirre