Nanawagan sa Maritime Industry Authority (MARINA) si Marino Party-List Rep. Sandro Gonzales na bawasan ang training fee sa ikinakasang e-learning platform para sa mga marino.
Ito ang hiniling ni Gonzales kay Samuel Batalla, Executive Director at OIC ng Standards of Training, Certification and Watch Keeping (STCW) sa oras na matuloy ang plano.
Giit ni Gonzales, malaking pasakit na sa mga marino ang training fee lalo’t marami ring gastusin ang mga ito.
Tulong naman ang panawagan upang magkakaroon ng oras ang mga marino sa kanilang pamilya at mabawasan ang gastusin sa accommodation at transportation.
Sa ngayon, tiniyak ni Batalla ang pakikipag-ugnayan ng kanilang ahensya sa mga maritime institutions at training centers hinggil sa usapin. —sa panulat ni Hannah Oledan