Mas makabubuting ipagdasal muna ang kaluluwa ng mga nasawi gayundin ang agarang paggaling ng mga nasugatan sa pagbagsak ng bagong biling C130 plane ng Philippine Air Force (PAF).
Ayon ito kay Senate Committee on National Defense and Security Chairman Panfilo Lacson, bago pag isipan ng senado na gamitin ang oversight power nito o ikunsider ang imbestigasyon ng air assets ng AFP sa ilalim ng modernization program nito.
Nanawagan naman si Senador Grace Poe na pagkalooban ng kaukulang tulong ang pamilya ng mga biktima sa nasabing aksidente.
Sa takdang panahon aniya ay inaasahang magkakaruon ng imbestigasyon sa nasabing insidente para matukoy kung paano maiiwasan ang nasabing trahedya at matitiyak na ligtas gamitin ang mga military plane.