Kalusugan at hanapbuhay para sa mga Pilipino.
Ito ang tinututukan ng Life Formula Synergy Incorporated (LFSI) sa pagsusulong ng pangunahing produkto nitong Ozonizer 2C Machine.
Sa idinaos na 19th anniversary at grand launching ng bagong marketing strand ng LFSI ipinakita nina Councilor Eric Gonzales, Chairman ng Health Committee ng Pasig City government at Barangay San Antonio Chairman Raymond Lising ang buong suporta ng Pasig City government sa paggamit ng Ozonizer 2C machine sa pagtiyak ng mga malulusog na Pasiguenio.
Ang Ozonizer 2C machine ay ISO at DOST Certified at nasalang na sa testing ng geo chem middle East, Dubai, UAE at pumasa sa FDA at OSHA safety standards nito.
Ayon sa LFSI hindi lamang nagtataboy kundi pinapatay mismo ng Ozonizer 2C machine ang bacteria, virus at fungi sa hangin, tubig, pagkain at sa iba’t-ibang surface.
Kabilang din anito sa mga benepisyo ng Ozonizer 2C machine ang pagpapaganda ng alkaline level ng tubig, nagtataas sa oxygen level sa hangin at tubig, malaking tulong sa body detoxification, nakakabawas ng panganib na maulit ang heart attack, gamot sa ischemic heart disease, cancer, antioxidant at anti-microbial.
Kasabay nito, hinihimok ng Bornrich program ang bawat Pilipino na maging “boss” ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagiging LFSI Bornrich distributor para ipakilala ang mga benepisyo ng Ozonizer 2C machine at makapagbibigay sa kanila ng unlimited income sa kada maibebentang makina.
Ang LFSI ay pinangungunahan ng founders nitong sina Juvy De Ungria bilang President at Erwin de Ungria bilang vice president for marketing samantalang nagsisilbing board members sina engineer dave bautista – head, research and Development Imelda Cruz – Vice President for Operations at Directors Teresa Pakingan, Gerard Cruz at Mercedes Bulan.
Maaaring bisitahin ang LFSI offices sa ADB Tower building sa ADB Avenue, ortigas center at Barangay Sta Lucia, kapwa sa Pasig City bukod pa sa mga branch nito sa Maynila, Cagayan De Oro, Sto Tomas, Batangas gayundin sa Echague, Lipa, Sta Rita, Tacloban, Bacolod, Davao at General Santos City.