Nanawagan si Senador Christopher Bong Go sa gobyerno at school officials na tiyaking protektado ang kalusugan at napapangalagaan ang kapakanan ng mga estudyante ngayong dumadami na ang mga nagsasagawa ng face to face classes.
Ayon sa senador, mahalaga ang edukasyon kaya hinihikayat niya ang mga kabataan na patuloy na mag-aral kahit na may pandemya.
Umapela rin si Go sa mga school administrators at guro na istriktong ipatupad ang health standards for COVID-19 mitigation na inisyu ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).
Bilang chairman ng Senate Committe on Health at myembro ng Committee on Basic Education, binigyang diin ni Go na kahit patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa at halos balik normal operasyon na ang economic sector ay dapat na pirayoridad pa rin ang kaligtasan at kalusugan ng publiko. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)