Mahigpit na tinututukan ng Department of Health (DOH) ang lagay ng kalusugan ng mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal na pansamantalang nasa mga evacuation centers.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, isa sa mg limang mga kondisyon na mahigpit nilang inoobserbahan sa mga bakwit ang acute respiratory infection.
Sinabi ni Duque, inaasahan na nila ang pagkakaroon ng kondisyon sa respiratory system ng mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal bunsod na rin ng mga ibinuga nitong abo.
Maliban sa respiratory infections, ilan din sa mga bakwit ang nakitaan ng hypertension, trangkaso, diarrhea at mga sakit sa balat.
Kaugnay nito, tiniyak ni Duque na sapat ang suplay ng gamot at mga medical personnels ng DOH para matutukan ang kalagayang pangkalusugan ng mga evacuees.