Gripo at hindi condom sa mga paaralan ang dapat atupagin ng Departments of Health at Education.
Ito’y ayon kay Senate Minority Leader Ralph Recto kasunod ng plano ng dalawang kagawaran na mamahagi ng condom sa mga estudyante para maiwasan ang paglakat ng sakit na HIV at AIDS.
Sinabi ni Recto na mas dapat pagtuunan ng pansin ng dalawang kagawaran ang mahigit 46,000 public elementary schools na walang palikuran kung saan, limang milyong estudyante ang apektado nito.
Maliban dito, dapat ding tutukan ng dalawang kagawaran ang halos 2 milyong kabataan na underweight mula kidergarten hanggang grade 6 na mas nangangailangan ng atensyon at aksyon mula sa mga ito.
By Jaymark Dagala