Mahigpit na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang kalusugan ng mga nasa evacuation centers matapos maapektuhan nang pagputok ng Bulkang Taal.
Ipinabatid ni Health Secretary Francisco Duque III na maraming matatanda na ang nakaranas ng trauma matapos mag-alburuto ang Bulkang Taal.
Mayroon aniyang mga nakadeploy na psychosocial health officers katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tingnan ang kalagayan ng evacuees.
Para naman sa mga bata, sinabi ni Duque na idina-divert nila ang atensyon at ini-iiwas sa trauma ang mga ito sa pamamagitan ng book reading, pagpapalaro at religious activities.
Samantala, binabantayan din ng DOH ang posibilidad na dumami ang mga nagkakasakit sa mga evacuation center.