Nanawagan sa mga paaralan, pamilya at concerned agencies ang Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) kasabay ng pagbabalik sa face-to-face classes ng mga mag-aaral.
Ayon kay Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, Director ng DOST-FNRI, lumabas sa kanilang Expanded National Nutrition Survey na tatlo sa sampung Pilipino ay stunted o pandak.
Sila umano ang madalas tamaan ng COVID-19 at iba pang sakit.
Para maagapan, ipinanawagan ng DOST-FNRI na bigyan ng maayos na nutrisyon at sapat na pagkain ang mga kabataan, para maprotektahan sa anumang sakit sa pagpasok sa paaralan.
Simula 2021, katuwang na ng DOST-FNRI ang Department of Education para sa enhanced nutribun at iba pang binuong masustansyang produkto para sa supplementary feeding program sa mga paaralan.