Mahalaga ang malusog na mga manggagawa para sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Ito’y ayon kay Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, kaya’t dapat aniyang bigyang konsiderasyon ng Inter-Agency Task Force o IATF ang mga minimum wage earner kaugnay sa kautusan nitong mandatory COVID-19 test para sa mga empleyadong hindi pa bakunado.
Ani Colmenares, hindi patas ang naturang polisya lalo na’t kamakailan lamang ay umamin ang pamahalaan na may kakulangan sa suplay para sa pagbabakuna partikular na ang mga syringe.
Dagdag nito, paano mababakunahan ang lahat ng manggagawa kung may kakulangan sa suplay.
Giit ni Colmenares, bagama’t may libreng testing ang ilang LGUs kinakailangan pang magpaskedyul para dito.