Aminado si Wally Bayola na isang malaking blessing ang kanyang character na Lola Nidora sa pamosong kalyeserye ng Eat Bulaga.
Marami na itong dinalang blessing sa kanya at naiahon siya sa kontrobersiya na kanyang kinasangkutan.
Ngunit kapalit nito ay ang pagod at puyat ng kaliwa’t kanang commitments na nagpapahina sa kanyang katawan at nagdulot ng delay sa tibok ng kanyang puso.
Kaya naman isang executive check up ang ninanais ngayon ni Wally ngunit kailangan itong i-schedule upang hindi makaapekto sa kanyang mga commitements.
By Rianne Briones