Isa sa mga pangunahing isinasaalang-alang ng maraming Pilipino ang pananatiling malusog at ang pag-iwas sa anumang sakit.
Ayon sa Pulse Asia, nakakuha ng overall 63% rating ang kalusugan sa pinakahuling Urgent Personal Concern Survey nito.
Isinagawa ang nasabing Pulse Asia Survey sa 1,200 respondents na may edad 18 pataas, noong Disyembre 6 hanggang 11 ng nakaraang taon.
Samantala, magandang sahod o source of income ang pumangalawa sa listahan na may 44% rating.
Sumunod naman ang makapagtapos ng pag-aaral o mapag-aral ang mga Kabataan na may 41% kasabay ang pagkakaroon ng sapat na makakain araw-araw na may 41% rin.
By: Avee Devierte / Race Perez