Nagtapos na ang idineklarang lockdown ng Marikina City Government sa F. Manalo St. na sakop ng barangay Nangka sa nasabing lungsod.
Paliwanag ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro, kaya isinailalim sa lockdown ang nasabing kalsada ay dahil sa malapit ito sa talipapa na kilala bilang mataong lugar.
Layon din nito ayon sa alkalde na mabigyang daan ang disinfection sa nasabing talipapa bagama’t nilinaw nito na wala namang positibong kaso ng COVID-19 sa lugar.
Nagsagawa rin ng contact tracing ang pamahalaang lungsod sa nabanggit na kalsada sa pangambang isa ito sa mga lugar na pinuntahan ng ilang nakasalamuha ng mga residenteng nagpositibo sa COVID-19.
Aminado rin si Teodoro na plano rin nilang gawin sa iba pang mga kalsada ang nasabing lockdown lalo na sa mga lugar na tukoy na mayruong positibong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.