Nagkamit ng 5 karangalan ang Kalyeserye ng Eat Bulaga! sa ginanap na 4th Catholic Social Media Summit sa Sta. Rosa, Laguna.
Personal na tinanggap nina Wally Bayola a.k.a. Lola Nidora at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang mga parangal kasama ang ilang excutives ng Tape Incorporated.
Hindi naman nakadalo ang other half ng AlDub na si Alden dahil kasalukuyan siyang nasa Tokyo Japan para sa 10th anniversary ng GMA Pinoy TV.
Si Maine o Yaya Dub ay ginawaran ng Catholic Social Media Achievement Award “for being influencial in propagating Christian values to the youth.”
Si Alden ay nagkamit ng Catholic Social Media Award “for being a good youth role model.”
Si Lola Nidora naman ay binigyan ng Catholic Social Media Award “for being instrumental in spreading good values in media.”
Ang TAPE Inc. na siyang producer ng Eat Bulaga, ay binigyan ng Achievement Award “for producing Kalye Serye and giving importance to promoting Christian family values and virtues.”
Maging ang AlDubNation Team, ang hukbo ng mga tagahanga ng AlDub, ay nakakuha rin ng Achievement Award “for spreading #KalyeSerye values online through inspirational posts and tweets.”
By Arriane Palma