MAGTATALA sa kasaysayan sa halalang pampanguluhan ng Pilipinas si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., dahil base sa pinakahuling resulta ng Kalye Survey, nakakuha siya ng 68.3 percent, gayundin ang running-mate niya na si Inday Sara Duterte na may 68.2 percent.
Dahil dito, sinabi ng SPLAT Communications, maaaring ito na ang pinakamalaking ‘landslide victory’ sa history ng presidential elections ng bansa.
Inihayag ito ilang araw na lang bago ang inaabangang May 9 elections.
Ang Kalye Survey ay isingawa noong April 11-30 kung saan ay tinambakan ni BBM ng malaki ang malayong pumapangalawa na si Leni Robredo na mayroon lang na 14 percent.
Pangatlo sa kanila si Manny Pacquiao na may 5.8 percent at naungusan nito si Isko Moreno na may 4.6 percent.
Sa pagkabise-presidente, malayo ring pangalawa kay Duterte si Tito Sotto na mayroong 15.6 percent.
Kinuha ang mga naturang bilang mula sa 10,091 respondents. Anim na porsiyento rito ang undecided.
Sa pagkabise-presidente ay umabot naman sa 6,881 ang respondents at 7.9 percent ang undecided.
“The data show a tandem super majority victory for the UniTeam of Mayor Inday Sara Duterte and former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. This is already inevitable at this point… It’s just a matter of time before these formalities are realized,” sinabi ng SPLAT Communications.
Idinagdag din ng SPLAT na wala silang nakitang pagbabago sa numero kahit na hindi dumalo si Marcos sa ilang debate.
“That opportunity has sailed long ago,” sabi pa ng SPLAT.
Kaugnay into, muling pinaalalahanan ng SPLAT ang mga botante na lumabas ng bahay upang bumoto sa darating na Lunes.
“All of these numbers are worthless if everyone will not vote on election day. So make sure your lists are ready and that you will vote,” sabi pa nila.
Binigyang-diin ng SPLAT na matagumpay ang mga tambalan- tulad ng BBM-Sara UniTeam — kung parehas silang nagtutulungan. “Indeed, the future of the Philippines looks bright. Unity is a positive force that paves the way for success. A nation united can never be conquered,” sabi pa ng SPLAT.