Si Kamala Harris ang kauna-unahang babaeng Vice President ng Amerika.
Bukod dito, gumawa rin ng kasaysayan si Harris bilang kauna-unahang Black at South Asian Vice President Elect ng Estados Unidos.
Sa kaniyang talumpati binigyang diin ni Harris na hindi lamang siya ang babaeng magiging Vice President ng Amerika kundi ang iba pang kabataang naging inspirasyon siya para madiskubre ang aniya’y maraming posibilidad ng bansang kinabibilangan.
Nag-viral pa ang tawag ni Harris kay US President Elect Joe Biden kung saan natutuwa nitong inihayag ang mga katagang; ‘we did it Joe!’ Matapos ang CNN projection ng panalo ng kanilang tambalan.
Si Harris ay nag-aral sa Howard University na sa kasaysayan ay isang Black University sa Washington at kung saan siya naging bahagi ng Alpha Kappa Alpha Sorority Incorporated na aniya’y humubog sa kaniyang mga pulitikal na pananaw.